OPD ng City Health Office ng Antipolo isasara muna; ilang frontliners nagpositibo sa rapid test

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 01:27 PM

Pansamantalang isasara ang Out Patient Department ng City Health Office ng Antipolo.

Ito ay makaraang magpositibo sa IgM anti body rapid test (COVID-19 probable) ang ilan sa frontliners nito.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares lahat ng nagpositibo sa rapid test ay kasalukuyang naka-quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Tuloy pa rin naman ang medical check-up services para sa mga balik-probinsya, stranded at mga balik-trabaho.

Tuloy din ang operasyon ng animal bite clinic at social hygiene clinic.

Inaasahang magbabalik ang serbisyo ng OPD ng City Health Department sa August 3, 2020 (Lunes) matapos ang mandatory quarantine ng mga staff nito.

 

 

TAGS: Antipolo City, Health Office, OPD, Antipolo City, Health Office, OPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.