Operator, driver ng bus na humaharurot sa EDSA bus lane, ipatatawag ng MMDA

Ipatatawag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operator at driver ng bus na nakuhanan ng video na humaharurot sa EDSA bus lane.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mahaharap sa parusa ang ang driver at operator ng bus.

Sinabi ni Garcia na nakipag-ugnayan na sila sa LTFRB para maisyuhan ng show cause order ang operator ng bus at upang makilala ang driver.

Base sa viral video, nakuhanan ng dash cam ang humaharurot na bus sa bus lane.

Sa sobrang bilis ng bus ay may mga naitumba pa itong barrier.

 

 

Read more...