EDSA 1986, mistulang eksena sa pelikula ni ‘Harry Potter’ -generation Y’

 

Richard A. Reyes/Inquirer

Taliwas sa sinasabi ng ilan, marami sa mga kabataan ang may nalalaman sa mga naganap noong panahon ng martial law at EDSA People Power.

Ito ang naging resulta ng isinagawang informal survey ng Inquirer sa mga kabilang sa tinataguriang ‘generation Y’ o ang mga kabataang isinilang sa pagitan ng dekada 80 at 90.

Ilan sa mga natanong ukol sa kanilang nalalaman sa panahon ng martial law ay nakuha ang impormasyon sa subject na Araling Panlipunan noong sila ay nasa high school pa lamang.

Bukod dito, marami rin ang nagsabing nakuha nila sa media ang mga impormasyon ukol sa mga pangyayari noong nasa ilalim ng batas militar at EDSA revolution ang bansa.

Ang ilan, naikumpara pa sa sikat na pelikula ni ‘Harry Potter’ ang mga eksena sa EDSA noong 1986.

Sa naturang pelikula, may eksenang ipinaglalaban ng bidang si Harry Potter at kanyang mga kaibigan ang kanilang paaralan na Hogwarts, mula sa kamay ng kontrabidang si Voldemort.

Read more...