SM City Trece Martires tutugon sa utos ng Cavite Provincial Govt.
Handa ang SM City Trece Martires na sumunod sa Executive Order na inilabas ng tanggapan ng Cavite Governor Jonvic Remulla.
Sa pahayag ng SM, ang video kung saan nakuhanan ang isang entrance na hindi nakasusunod sa quarantine protocol ay isolated case lamang.
Sinabi ng SM na ang lahat ng entrance sa SM City Trece Martires ay mahigpit na sumusunod Provincial EO No. 17.
Tiniyak din ng SM na makikipag-ugnayan ito sa lokal na pamahalaan para sa ipatutupad na corrective measures.
Ito ay upang muling makapagbukas ang mall at makapagserbisyo sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.