outbrain

Michael V: May nakita silang pwedeng pagmulan ng pneumonia

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 11:54 AM

Patuloy na nagpapagaling ang TV Host na si Michael V. matapos na magpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Twitter, ikinwento ni Bitoy na nagpasya siyang magpa X-ray noong Huwebes (July 23) dahil naramdaman niya na mabilis siyang mapagod.

Aniya, sa kaniyang X-ray may nakitang “pwedeng pagmulan ng pneumonia”.

Pero hindi naman aniya siya inabisuhang magpa-admit sa ospital at sa halip ay pinayuhang ituloy lang ang kaniyang self quarantine.

Niresetahan lang siya ng antibiotics at patuloy na magpapagaling sa bahay.

Nagpasalamat si Bitoy sa mga nagdarasal para sa kaniyang kaligtasan.

Nagpaalala din ito sa lahat na maging maingat upang hindi magsisi sa huli.

 

TAGS: covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Michael V, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Michael V, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.