Mahigit 41,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Simula noong July 8 hanggang ngayong araw July 24 umabot na sa mahigit 38,000 umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 41,157 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 43,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/39pRWlx

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy mula June 12 hanggang July 7 ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/2Z2ThLm

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

Read more...