US paiigtingin ang freedom of navigation operations sa South China Sea

 

Bunsod ng patuloy na isinasagawang build-up ng chinese military sa South China Sea, binabalak ng US navy na paigtingin pa ang pagsasagawa ng freedom of navigation operations sa rehiyon.

Ito ang ibinahagi ni US Pacific Command Chief Admiral Harry Harris sa pagharap niya sa US House Armed Services Committee sa Washington.

Dagdag pa nito, palalapitin nila hanggang sa 12 nautical miles sa mga isla na inaangkin ng China ang kanilang warship.

Ayon pa kay Harris, ang isasagawa nilang mga misyon ay mahalagang paraan para itaguyod ang international law.

Base sa satellite images, nagtatayo na ng radar facilities ang China sa mga ginawa nilang artificial islands matapos ang paglalagay nila ng surface to air missiles sa Woody island.

Bagamat hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Harris sa kanilang balakin, nagpahiwatig ito na ang ipapadala nilang destroyer sa South China Sea ay may kapabilidad na ipagtanggol ang kanyang misyon sakaling magkaroon ng bulilyaso.

Read more...