Magpapatuloy ang pag-ulan hanggang Biyernes dahil sa bagyong ‘Egay’, habagat at bunsod na rin ng inaasahang pagpasok ng bagyong ‘Falcon’.
Ayon sa PAGASA, mananatiling maulan sa hilagang Luzon dahil sa bagyong ‘Egay’, samantalang maaring simula Miyerkules ay uulanin na rin ang katimugang bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng papasok bagyo at ‘habagat’.
Samantala, alas-dos ng hapon Lunes, nang buksan na rin ang gate 3 ng Binga dam sa Benguet at magpakawala ng 63 cubic meters per second na tubig patungo San Roque Dam.
Nagpadala na ng abiso ang PAGASA sa DILG upang maabisuhan ang lokal na pamahalaan ng Itogon, Benguet dahil dalawang barangay ang maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Binga Dam.
Ngunit kung magpapakawala ng tubig ang Binga Dam. Sa Angat Dam sa Bulacan ay 19 centimeters lang ang itinaas ng tubig sa kabila ng malakas na pag-ulan.
Sa Magat Dam naman sa Isabela, hindi pa nagbabago ang water level dahil hindi pa bumababa ang tubig mula sa kabundukan bunsod ng ulan dala ng bagyong ‘Egay’./ Jan Escosio