Bahagi ng isang barangay sa Taytay, Rizal isinailalim sa ECQ

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang bahagi ng isang barangay sa Taytay, Rizal.

Ayon sa Taytay Public Information Office, pinairal ang ECQ sa Block 51, Sitio Panghulo Floodway sa Barangay San Juan.

Ang bahay naman ng isang COVID-19 patient ay isinailalim sa hard lockdown.

Sa pinaiiral na quarantine measures sa bayan ng Taytay, ang bahay ng matutukoy na COVID-19 positive ay isinasailalim sa lockdown.

Ang bahay naman ng isang COVID-19 patient sa nasabing lugar ay isinailalim sa hard lockdown.

Una rito, isinailalim din sa ECQ ang Block 37 Sitio Lambak, Floodway A sa parehong barangay.

Hahatiran naman sila ng pagkain ng lokal na pamahalaan.

 

 

Read more...