Tatlong opisyal ng PhilHealth nagbitiw sa pwesto matapos madismaya sa korapsyon sa ahensya
Tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nagbitiw sa pwesto matapos madismaya sa korapsyon sa ahensya.
Sa source ng Inquirer, nalantad ang mga alegasyon ng korapsyon mismong sa online meeting ng mga opisyal ng PhilHealth.
Ayon sa sourceng Inquirer, nauwi pa sa sigawan ang Zoom meeting ng mga opisyal matapos mabusto ang korapsyon.
Batay sa kumakalat na dokumento sa online kabilang sa mga nagbitiw si Philhealth anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith.
Binanggit ni Keith ang mandatory PhilHealth contribution para sa OFWs na isa sa mga dahilan ng pagbibitiw niya.
Talamak din aniya ang unfair promotion process sa ahensya at hindi rin nabibigay ng tamang petsa ang kaniyang sweldo simula nang magsiyasat siya sa mga PhilHealth officers na sangkot sa korapsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.