Apostol at LJM ng Inquirer, ginawaran ng People power award

By Jay Dones February 26, 2016 - 04:14 AM

 

Joan Bondoc/Inquirer

Binigyang ng pagkilala sina Inquirer founding chair Eugenia-Duran Apostol at dating Inquirer editor in chief Letty Jimenez-Magsanoc sa kanilang naging kontribyusyon sa paglaban sa martial law noon.

Isinabay ang pagbibigay ng pagkilal sa dalawa sa okasyon ng selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power.

Tinanggap nina Dr. Carlitos Magsanoc, asawa ni LJM at kanilang mga anak na sina Kara, Nikko at Marty ang People Power Award mula sa EDSA People Power Commission.

Samantala, tinanggap naman ng photographer na si Mandy Navasero ang award para kay Apostol.

Ayon kay EDSA People Power Commission spokesperson Celso Santiago, kanilang kinikilala ang naiambag ng dalawa sa mapayapang pagtatapos ng isang rehimen sa pamamagitan ng pamamahayag at ipakilala ang mga ito sa mga kabataang dumalo sa okasyon ng anibersaryo.

Gayunman, nakalukungkot aniya na naging ‘posthumous’ ang pagbibigay-pugay kay Magsanoc matapos itong sumakabilang buhay noong bisperas ng Pasko.

Ang dalawa aniya ay naging bahagi ng ‘mosquito press’ noong martial law na naghahatid ng katotohanan sa taumbayan noong panahon ng martial law sa kabila ng panganib na kanilang kinakaharap noon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.