Palawan, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2020 - 05:58 AM

Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may kaakibat na thunderstorms sa
Palawan, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, Western at Central Visayas dahil sa ITCZ.

Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha o landslides.

Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Wala namang sama ng panahon na mabubuo sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.

 

 

TAGS: ITCZ, Pagasa, Palawan, Visayas, weather, ITCZ, Pagasa, Palawan, Visayas, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.