Jomalig, Quezon niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 109 kilometers northeast ng bayan ng Jomalig, alas-3:57 madaling araw ng Biyernes (July 24).

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...