Hirit na maalis sa Bilibid ang isang ‘ninja cop,’ ibinasura ni Sen. Gordon

By Jan Escosio July 24, 2020 - 02:42 AM

Tinanggihan ni Senator Richard Gordon ang kahilingan na mailipat sa San Fernando City District Jail sa Pampanga mula sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City si Police Colonel Rodney Baloyo IV.

Ayon kay Gordon, nagkaisa ang mga miyembro ng Blue Ribbon Committee at Committee on Justice, na kapwa niya pinamumunuan, na dapat manatili sa pambansang piitan si Baloyo.

Ipinakulong ng komite ni Gordon sa Bilibid si Baloyo dahil sa hindi pagsasabi ng buong katotohanan sa mga pagdinig ukol sa isyu ng ‘ninja cops,’ na kinasangkutan din ni dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Katuwiran ng senador, kung kailangang paharapin si Baloyo sa korte, pinapayagan naman na ang ‘video conferencing.’

Magugunitang sa pag-iimbestiga sa Senado ng good conduct time allowance (GCTA) sa Bilibid ay natalakay ang operasyon ng ‘ninja cops.’

TAGS: Bilibid, Inquirer News, National Bilibid Prison, ninja cops, Police Colonel Rodney Baloyo IV, Radyo Inquirer news, Rodney Baloyo IV, San Fernando City District Jail, Sen. Richard Gordon, Bilibid, Inquirer News, National Bilibid Prison, ninja cops, Police Colonel Rodney Baloyo IV, Radyo Inquirer news, Rodney Baloyo IV, San Fernando City District Jail, Sen. Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.