Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 639 na
By Mary Rose Cabrales July 23, 2020 - 06:52 PM
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, July 23) pumalo na sa 639 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan nakapagtala ng 10 na bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 263 ang active cases.
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 34.
Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 342 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.