Kaso ng COVID-19 sa Singapore, pumalo na sa 49,000

Mahigit 300 muli ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 354 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (July 23).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are eight case in the community, of whom four are Singaporeans/Permanent Residents and four are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding limang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 49,098 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...