Siyam pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Zamboanga City
By Angellic Jordan July 23, 2020 - 05:37 PM
Napaulat ang siyam pang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Zamboanga City.
Sa huling datos hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (July 23), umabot na sa 465 ang mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing lugar.
Sa nasabing bilang, 242 ang aktibong kaso ng sakit.
Base rin sa tala, 208 na ang gumaling na residente ng Zamboanga City sa COVID-19.
15 naman ang pumanaw bunsod ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.