Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa inilabas na liham, sinabi ni Pabillo na asymptomatic siya.
Gayunman, susunod pa rin siyabsa protocol at sasailalim sa quarantine.
“Although I do not feel anything, I follow the protocol that is set. I am now in designated area for quarantine observing strict protocol as required,” pahayag ni Bishop Pabillo.
Natututukan aniya ang kaniyang kondisyon at patuloy ang kanyang pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansiyang pagkain at bitamina.
Negatibo naman aniya ang kanyang staff sa nakakahawang sakit.
Naipaalam na rin aniya sa mga taong nakasalamuha niya simula noong nakaraang linggo upang makasunod sa safety measures.
“I know this virus will pass, so please do not worry about me, although prayers would be very much appreciated,” ani Bishop Pabillio.
“Since I am in my normal self, thank God, the scheduled online meetings that we have set will continue. Life must go on,” dagdag pa nito.