Kampo ni Roxas, Trillanes, Cayetano atbp., inakusahang nasa likod ng ‘Oplan Nognog’

By Jimmy Tamayo, Kathleen Betina Aenlle February 26, 2016 - 04:10 AM

 

Inakusahan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ng pagasabwatan ang mga supporter ni presidential candidate Mar Roxas, Senator Alan Peter Cayetano, Sen. Antonio Trillanes at Cong. Edgar Erice para idiskaril ang kanyang kandidatura.

Ayon sa abogado ni Binay na si Atty. Claro Certeza, nagkaroon ng secret meetings ang nasabing grupo sa isang gusali sa Taguig City.

Sinabi ni Certeza na kasabwat rin sa Oplan Nognog ang may-ati ng SR Metals na si Francis Enrico “Eric” Gutierrez at Nickel Asia Corp. owner Salvador “Buddy” Zamora.

Sina Gutierrez at Zamora ay pawang kabilang sa mga ilang private at public na indibidwal na kinasuhan ni Binay ng P200-million damage suit.

Pinadalhan na ng Written Interrogatories sina Erice, Gutierrez at Zamora na naglalayong pasagutin sila sa mga katanungan sa ilalim ng panunumpa.

Subalit tumanggi silang kumpirmahin o itanggi ang akusasyong ibinabato sa kanila ng kampo ni VP Binay, at kung totoo ngang kasabwat nila ang iba pang mga sinasabing naka-pulong nila.

Bahagi umano ng Oplan Nognog ang mga pagdinig sa senate blue ribbon committee, ang mga kaso sa Ombudsman na inihain ni Atty. Renato Bondal at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.