Batasan Pambansa Complex isasailalim sa lockdown simula July 24
Simula sa araw ng Biyernes, ilalagay na sa lockdown ang Batasang Pambansa Complex sa Quezon City bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 27.
Ayon kay House Sgt. At Arms Retired Gen. Ramon Apolinario, ito ay para sa isasagawang pag-disinfect sa mga gusali ng Kamara gayundin sa pagtsek ng mga security forces sa seguridad.
Sabi ni Apolinario na ang Quezon City Police District at fire marshall ang nakatalaga sa pagbabantay sa labas ng Batasan Complex.
May isa namang gusali sa Kamara ang magsisilbing coordinating committee para sa AFP, PNP, intelligence, MMDA at security personnel ng Mababang Kapulungan.
Nasa 500 security personnel at dagdag na 100 hanggang 150 na Presidential Security Group (PSG) ang magbabantay sa loob ng Kamara.
Nakipag-ugnayan na rin ang Kongreso sa mga kalapit na ospital sakali mang magkaroon ng emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.