Kaso ng COVID-19 sa India, sumampa na sa 1.2 milyon
By Angellic Jordan July 23, 2020 - 03:47 PM
Nasa 45,720 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 23), pumalo na sa 1,238,635 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 426,167 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 29,557 ang mga gumaling.
Dahil dito, 782,607 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 29,861 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.