Menor de edad, nailigtas sa sinalakay na drug den sa Cebu City; 4 arestado
Nailigtas ng mga otoridad ang isang 15-anyos na lalaki sa sinalakay na drug den sa Cebu City, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Carreta bandang 7:00 ng gabi.
Nahuli sa operasyon ang drug den maintainer na si Edimar Joshua, 23-anyos; John Eric Debalucos, 18-anyos; Carlo Igot, 25-anyos; at Paquito Destaño Jr., 29-anyos.
Nakuha sa mga suspek ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800, walang laman na pakete, ilang drug paraphernalia, P220 cash, at ginamit na buy-bust money.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 (sale of dangerous drugs), 6 (maintenance of a drug den), 7 (visitor of a drug den), at 11 (possession of dangerous drugs), Article 2 ng Republic Act 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.