‘Hindi namin siya sinisisi sa Mendiola Massacre’- Marcos camp

By Jay Dones February 26, 2016 - 04:15 AM

 

Joan Bondoc/Inquirer

‘Hindi namin siya sinisisi sa Mendiola Massacre’.

Ito ang reaksyon ng kampo ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa matatalim na pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa anibersaryo ng EDSA People Power Anniversary kahapon.

Sa talumpati ni Pangulong Aquino, binakbakan nito si Senador Marcos sa hindi pagkilala sa pagkakamali ng kanilang pamilya at ang patuloy nitong pagtanggi na humingi ng paumanhin sa taumbayan sa isyu ng martial law.

Ayon kay Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, na siya ring campaign manager ni Marcos, lahat naman ng administrasyon ay may mga nagagawang pagkakamali ngunit hindi naman dapat sisihin maging ang mga anak sa pagkakamali ng isang presidente.

Paliwanag pa ni dela Cruz, 15-anyos pa lamang si Sen. Bongbong nang ipatupad ang martial law noong 1972.

Giit nito, nagkamali rin ang si dating Pangulong Cory Aquino sa isyu ng Mendiola massacre ngunit hindi naman nila iginiit kay Pangulong Noynoy na humingi ng paumanhin sa publiko dahil dito.

Batid nila aniyang walang kasalanan si Pangulong Noynoy sa pagkamatay ng 13 magsasaka sa tinaguriang ‘Black Thursday noong 1987.

Sa halip na bumatikos, na nagiging dahilan upang magkawatak-watak ang taumbayan, dapat humanap na lamang ng paraan ang pangulo upang mapagkaisang muli ang mga Pilipino.

Sa loob aniya ng 30 taon, hindi pa rin nagkakaisa ang sambayanan, giit ni Dela Cruz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.