Ika-156 na Kaarawan ni Apolinario Mabini ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw ang ika-156 na kaarawan ni Apolinario Mabini na tinaguriang ‘Dakilang Lumpo’.

Sa Facebook post ng Department of Education (DepEd) hinimok ang publiko na gunitain ang mga naging ambag ni Mabini sa kalayaan ng Pilipinas.

Ayon sa DepEd si Mabini ay kinilala rin bilang utak ng himagsikan sa kasaysayan at nagsilbing tagapayo ng mga kapwa bayani na sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.

Ngayong araw kasabay ng paggunita sa kaarawan ni Mabini ay uling araw naman ng paggunita sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Ayon sa DepEd, nawa’y maging inspirasyon si Mabini sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral na may kapansanan.

 

 

 

Read more...