WATCH: Green sea turtle na na-trap sa isang fish pen sa Surigao City pinakawalan sa karagatan

Pinakawalan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Surigao del Norte ang siang babaeng ‘green sea turtle’ na na-trap sa isang fish pen sa Sabang Beach, Surigao City.

Ang pagong ay may timbang na 20 kilograms, may lapad na 60 centimeters, at may habang 90 centimeters.

Pinasalamatan ng PENRO ang mga PCG personnel sa tulong sa pagpapakawala sa sea turtle.

Read more...