Ex-PhilPost postmaster general Dela Cruz, pumalag sa mga kaso laban sa kaniya

By Kathleen Betina Aenlle February 26, 2016 - 04:01 AM

 

Josie dele cruzHindi makatarungan para kay dating Philippine Postal Corporation (PhilPost) postmaster general Josefina “Josie” dela Cruz ang pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kaso laban sa kaniya.

Matatandaang noong Lunes, pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isang resolusyon na nag-uutos na kasuhan si Dela Cruz matapos silang makakita ng probable cause para ireklamo siya ng 15 counts ng paglabag sa GSIS Act of 1997.

Kinasuhan ng Ombudsman si Dela Cruz dahil sa umano’y kabiguan nito na i-remit ang loan ng isang empleyado sa Government Service Insurance System (GSIS).

Sinabi ni Dela Cruz sa Inquirer.net na nabigla siya sa mga kasong isinampa sa kaniya dahil siya pa nga aniya ang nag-salba sa PhilPost mula sa pagkaka-bankrupt at itinaas pa niya sa “good standing” status ang ahensya.

Giit ni Dela Cruz, hindi siya ang hindi nag-remit ng bayad ng empleyadong si Santos Pamatong Jr. sa utang nito sa GSIS, bagkus ay ang nauna pa sa kaniyang namuno sa PhilPost.

Kumonsulta rin aniya siya sa GSIS kaugnay sa mga remittance ng loan, at ang alam niya noon ay dapat unahin ang matagal nang hindi bayad. Inabisuhan kasi aniya sila ng GSIS na sa halip na bayad siya nang bayad, bayaran na lamang yung kasalukuyang dapat bayaran, at saka na lamang habulin ang mga naipon na hindi nabayaran sa mga buwan na nakalipas.

Hiningi na rin ani Dela Cruz ni pamatong ang refund ng kaniyang amortization, na naibigay naman na sa complainant ng buo.

Pakiwari ni Dela Cruz, hindi talaga ito makatarungan at lubhang kaduda-duda rin aniya ang timing ng kaso laban sa kaniya lalo pa’t tumatakbo muli siyang gobernador sa Bulacan sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Dagdag pa niya, siya na nga ang tumulong na i-angat ang ahensya, siya pa ang napahamak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.