Pinakahuling empleyado ng Kamara na nagpositibo sa COVID-19 pumanaw na

Pumanaw na ang ika-18 kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Sectretary General Atty. Jose Luis Montales, ipinabatid sa kanila na kaninang umaga nasawi ang 52 anyos na lalaking kawani na nakatalaga sa Bills and Index Service.

Mayroon anyang hypertension ang nasawing empleyado at na-admit sa ospiutal noong July 17 matapos makaranas ng mga sintomas ng sakit.

July 20 anya nabatid na postibo ito sa COVID-19.

Simula anya noog June 18 ay naka work from home na ito pero nagtungo sa Batasan Pambansa noong June 29 upang magsumite ng mga dokumento.

Ito na ang ikatlo sa mga nasawi sa covid-19 na empleyado ng Kamara.

Nauna rito ay ang isang kawani sa Printing Services at ang ikalawa ay chief of staff ng isang kongresista.
 

 

Read more...