DENR Office sa Cavite pansamantalang isinara para sa disinfection

Sarado muna ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan ng Cavite.

Sa abiso ng PENRO, ang pagsasara ay mula ngayong araw, July 23 hanggang bukas, July 24.

Ito ay para makapagsagawa ng cleaning at disinfection sa tanggapan.

Magre-resume ang regular na transaksyon sa PENRO Cavite sa Lunes, July 27.

 

 

Read more...