Ilang barangay sa QC, Caloocan, Parañaque at Las Piñas makararanas ng water service interruption

Nakararanas ng water service interruption ang ilang mga barangay sa Quezon City, Caloocan, Parañaque at Las Piñas.

Ayon sa abiso ng Maynilad, alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 8:00 ng gabi ngayong araw July 23 ay makararanas ng low water pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

Caloocan City:
– Brgy. 161

Quezon City:
– Bahay Toro
– Sangandaan
– Sauyo
– Talipapa
– Tandang Sora

Simula naman alas 2:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi makararanas din ng low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

Las Pinas City
– BF International
– D. Fajardo
– Ilaya
– E. Aldana
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos

Paranaque City
– BF Homes
– Moonwalk
– San Dionisio
– San Isidro

Ayon sa Maynilad, ang service interruption ay bunsod ng mataas na demand sa suplay ng tubig sa kanilang Bagbag reservoir.

 

Read more...