Operasyon ng Consular Office ng DFA sa La Union suspendido ng isang linggo

Nagpatupad ng isang linggong suspensyon sa operasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang consular office sa La Union.

Sa abiso ng DFA, simula ngayong araw, July 23 hanggang sa susunod na Biyernes, July 31 sarado ang consular office sa La Union.

Ito ay makaraang isailalim sa Enhanced Community Quarantine San Fernando City dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa DFA, ang mga aplikante sa passport para sa nasabing mga petsa ay ia-accommodate na lamang simula sa August August 3 hanggang sa August 21.

 

 

 

 

 

Read more...