LRT-2 mas maagang magsasara simula sa susunod na linggo
Simula sa Lunes, July 27 mas maaga ang pagsasara ng LRT line 2.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), simula sa Lunes, ang last commercial train trip ay alas 7:30 ng gabi mula sa Araneta Center-Cubao Station at mula sa Recto Station.
Ito ay para mabigyang-daan ang paglalagay ng bagong power cables sa pagitan ng Pureza at Legarda stations eastbound at southbound.
Mananatili namang alas 5:00 ng umaga ang unang commercial trip ng LRT-2.
Sa August 3, 2020 ay babalik ang normal na oras ng serbisyo ng mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.