Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales July 23, 2020 - 06:41 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 183.88 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (July 23) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 184.10 meters.

Bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.91 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 98.91 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 77.69 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 77.71 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao dam.

 

 

TAGS: dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.