Ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2020 - 05:39 AM

Makararanas ng pag-ulan sa ilang mga lalawigan sa Southern at Central Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 4:30 ng madaling araw ngayong Huwebes, July 23 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Rizal at Bataan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Real, Mauban, at Infanta sa Quezon at sa mga bayan ng Paete, Pakil, at Pangil sa Laguna.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng biglaang pagbaha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Maari ring makaranas ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.