Nananatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Siquijor.
Paglilinaw ito ng Department of Health Region 7 makaraang may mapaulat sa COVID-19 tracker na mayroong tatlong kaso ng COVID-19 sa nasabing lalawigan.
Ayon sa pahayag ng DPH-Central Visayas Center for Health Development, ang tatlong napaulat ay pawang nasa mga ospital sa Makati City, Pasig City at Mandaue City.
Naitala lamang umano ang mga ito sa lalawigan ng Siquijor dahil sa kanilang mga isinulat na permanent address.
Bunsod nito sinabi ng DOH na nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa Siquijor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.