Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 968 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Miyerkules, July 22, 3PM), umabot na sa 968 ang bilang ng active cases sa lalawigan kung saan nakapagtala ng 10 bagong active cases.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 200
San Pedro (BJMP) – 18
Biñan (Larger Community) – 245
Biñan (BJMP) – 5
Santa Rosa – 195
Calamba – 115
Los Baños – 16
Cabuyao – 82
San Pablo – 30
Santa Cruz – 16
Bay – 6
Calauan – 9
Alaminos – 4
Pila – 1
Victoria – 4
Nagcarlan – 6
Liliw – 2
Pagsanjan – 2
Majayjay – 2
Lumban – 1
Cavinti – 1
Kalayaan – 1
Siniloan – 3
Magdalena – 1
Paete – 1
Rizal – 1
Mabitac – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 79 na.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 917.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,964.

Samantala, nasa 3,071 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

Read more...