300 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Singapore
Mahigit 300 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 310 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 22).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are seven case in the community, of whom three are Singaporeans/Permanent Residents and four are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding anim na imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 48,744 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.