3 bata, nalunod sa ilog ng Olongapo

 

Mula sa google maps

Tatlong mga paslit ang nasawi makaraang malunod habang naliligo sa ilog Olongapo.

Kinilala ni SPO2 Carmelito Mayo ng Olongapos police ang mga biktima na sina Alexander Generale, 9 na taong gulang, Josh Mark Fernandez, 11, at Emmanuel Tabuyoc, 11 taong gulang.

Pawang mga residente ng Barangay Ilalim sa Olongapo City ang mga biktima.

Sa imbestigasyon, nagpasyang maligo sa ilog Olongapo ang mga biktima kasama ang ilang pang mga kaibigan ngunit dahil sa lalim ng tubig, hindi na nakaahon ang mga ito.

Huli na ang lahat nang rumesponde ang mga residente at otoridad dahil nang maiahon ang mga biktima ay wala nang mga buhay.

Read more...