Free internet dapat ibigay ng Globe, Smart sa mga estudyante – Sen. Gatchalian

By Jan Escosio July 22, 2020 - 04:47 PM

“Kung bawat mag-aaral ay makakagamit ng internet, isang mahalagang hakbang ito upang makabangon ang ating sistema ng edukasyon mula sa epekto ng COVID-19, gawin itong mas matatag sa panahon ng kalamidad, at masigurong walang batang maiiwan.”

Ito ang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian kayat hinimok niya ang Globe at Smart na magbigay ng libreng internet connectivity sa mga mag-aaral sa muling pagsisimula ng mga klase sa pamamagitan ng blended learning system.

Aniya, para magkaroon ng internet service sa 42,046 barangays sa bansa, kailangang maglagay ang telcos ng cell sites sa mga pampublikong paraan.

Diin pa ng senador, kung may internet maging sa mga tinatawag na ‘Last Mile Schools’ o mga liblib na paaralan, walang estudyante ang mapapag-iwanan sa edukasyon sa gitna ng pandemiya.

Base sa ulat ng DepEd, tatlong milyong estudyante ang pumapabor sa online learning at mahigit pitong milyon naman ang pinili ang modular distance learning samantalang 1.2 milyon ang gustong makapag-aral sa pamagitan ng telebisyon at higit 600,000 ang pinili ang radyo.

May 2.9 milyon estudyante naman ang nagsabi na may internet sa kanilang bahay, samantalang higit 1.8 milyon ang walang laptop, desktop, TV maging radyo.

TAGS: free internet, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian, Smart, free internet, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian, Smart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.