Sen. Sotto ipinanukala ang proteksyon sa ‘COVID-19 suit’ sa mga negosyante


Naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente Sotto III na magbibigay proteksyon sa mga negosyante kontra demanda ng mga empleado na tatamaan ng COVID-19 sa trabaho.

Ngunit agad din nilinaw ni Sotto na ang kanyang Senate Bill No. 1515 ay hindi ganap na proteksyon sa mga negosyante dahil hindi nito sasakupin ang paggawa ng krimen.

Katuwiran nito sa kanyang panukalang Employer’s Liability Protection from COVID-19 Act ay kailangan na para pasiglahin muli ang ekonomiya.

“Employers and private establishment owners are aware of the risks their returning employees will face in the workplace and their responsibilities to their workers as employers,” sabi ng senador.

Nakikita ni Sotto na higit na makikinabang sa kanyang panukala ang mga maliliit na negosyo dahil maiiwasan na magalaw pa ang kanilang pera sa pagdepensa sa mga demanda.

Mahihikayat din ang mga negosyante na ituloy ang kanilang operasyon sa gitna ng pandemiya.

Read more...