NTC office isasara ng apat na araw para sa disinfection
By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2020 - 12:58 PM
Sasailalim sa lockdown ang head office ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa abiso ng NTC, ang pagsasara ay sisimulan bukas, July 23 hanggang July 24.
Itp ay para bigyang daan ang pagsasagawa ng apat na araw na disinfection sa opisina simula Huwebes hanggang sa Linggo.
Kasabay nito hinimok ng NTC ang publiko na laging magsuot ng face mask at sundin ang social distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.