Iba pang bahagi ng ‘chop-chop lady’ natagpuan na

By Chona Yu February 26, 2016 - 12:21 AM

 

crime-scene

Binuksan ng Makati police ang septic tank sa bahay ng babaeng pinatay at chinap-chop ng kanyang Taiwanese na mister sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Ayon kay Sr. Inspector Roman Salazar Jr., deputy chief of investigation ng Makati police, sa septic tank ay nakita ang daliri, buhok, tenga laman-loob at iba pang bahagi ng katawan ni Rowena Kuo na una nang pinatay ng kanyang mister na si Tony Yuan Kuo.

Ayon kay Salazar, nakipag-ugnayan ang kanyang investigating team sa isang kumpanya ng siphoning services para alisin ang laman ng poso negro.

Nauna nang inamin sa pulisya ng suspek ang krimen na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Ayon sa pulisya, crime of passion ang kanilang nakikitang dahilan ng pagpatay at pagputul-putol sa katawan ng biktima.

Kahapon, naduskubre ng mga kaanak ng biktima ang putul-putol na katawan ng ginang sa iba’t-ibang bahagi ng tatlong palapag na tahanan ng mag-asawa.

Gayunman, ang ilang bahagi ng katawan nito ay pinutol ng maliliit ng suspek at itinapon sa poso negro ng bahay.

Paliwanag ng suspek, nagdilim ang kanyang paningin matapos silang magtalo kaya’t kanyang nagawa ang karumal-dumal na krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.