Real Estate Brokers Licensure exams ipinagpaliban ng PRC

Ipinagpaliban ng Professional Regulation Commission (PRC) ang nakatakdang Real Estate Brokers Licensure Examinations.

Sa abiso ng PRC, ang exams na nakatakda dapat isagawa sa July 31, ay gagawin na lamang sa November 6, 2020.

Ang bagong schedule para sa paghahain ng online applications ay sisimulan sa August 6, 2020 at tatagal hanggang October 6, 2020.

Para sa iba pang katanungan maaring magpadala ng email sa Licensure Division sa licensure.division@prc.gov.ph at sa licensure.office@prc.gov.ph.

 

 

Read more...