Pag-disinfect sa face mask gamit ang gasolina, biro lang ng pangulo ayon sa DOH

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2020 - 11:58 AM

Maaring cloth masks umano ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magbigay ito ng tips kung paano i-disinfect at muling gamitin ang face masks sa nationwide television.

Sa kaniyang speech noong Martes, sinabi ng pangulo na magpo-provide ng libreng masks ang pamahalaan sa publiko na maari aniyang magamit ng ilang ulit basta’t idi-disinfect lang gamit ang alcohol o gasolina.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaring reusable cloth masks ang tinutukoy ng pangulo.

Posible rin aniyang nagbibiro lang ang pangulo nang sabihin nitong pwedeng mag-disinfect gamit ang gasolina.

“Alam niyo naman kapag nagsasalita si Presidente baka mga jokes niya lang ‘yun especially for gasoline,” ayon kay Vergeire.

Ani Vergeire ang mga cloth mask ay pwedeng muling gamitin, hindi gaya ng surgical at N95 masks na kailangan nang itapon pagkatapos gamitin.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfection, doh, face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfection, doh, face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.