Retired justice Carpio, dating Ombudsman Morales, at UP law professors nagsampa ng petisyon vs Anti-Terrorism Law

Sina Retired Supreme Court justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales kasama mga law professors mula sa University of the Philippines ang panibagong mga petitioner laban sa Anti-Terrorism Law.

Nagsampa ang grupo nina Carpio at Morales ng petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang legalidad ng Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA).

Sa kanilang petisyon nais nina Carpio at Morales na ideklarang walang bisa ang buong batas o ilang probisyon nito dahil sa paglabag sa Konstitusyon.

Hiniling din nilang magpalabas ng temporary restraining order ang SC.

Ito na ang ika-11 petisyon na inihain sa SC laban sa nasabing batas.

 

Read more...