Rockfall event naitala sa Mt. Mayon

Nakapagtala ng rockfall event ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs, may naitala ring dalawang volcanic earthquake sa magdamag.

Nagbuga din ang Mayon ng kulay puting steam-laden plumes.

Kamakailan ibinaba ng Phivolcs sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.

Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.

May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.

 

Read more...