15 security personnel ni ES Medialdea nagpositibo sa COVID-19
Aabot sa halos 15 security personnel na nakatalaga kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang nag-positibo sa COVID-19.
Sa panayam ng Rady Inquirer, sinabi ni Presidential Sceurity Group (PSG) commander Colonel Jesus Durante na inaalam na ng kanilang hanay kung ang 15 nagpositibo sa COVID-19 ay pawang mga PSG personnel o ibang staff ni Medialdea.
“Initially ‘yun ang sinabi pero I still have to receive and identify who are these personnel mamaya hindi PSG yung iba diyan I’m really not sure.I’m still waiting for the official report of the security officer,” pahayag ni Durante sa Radyo Inquirer.
Naka-quarantine na ngayon ang mga nag-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Durante, negatibo naman sa COVID-19 si Medialdea, pero kailangang baguihn ang lahat ng security detail niya.
“One of my recourse is I have to change all his security detail for now. Everybody goes on quarantine,” dagdag pa ni Durante.
Wala naman aniya sa mga close-in security ni Pangulong Duterte ang nag positibo sa Covid 19 dahil naka contain sila sa kani kanilang mga barracks lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.