Mabilis na aksyon ng NBI sa kaso ng pagkasawi ng apat na sundalo sa Sulu pinapurihan ng Philippine Army

Nagpasalamat ang pamunuan ng Philippine Army sa mabilis na aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa kaniyang pahayag pinapurihan ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Gilbert Gapay ang NBI sa pagsasampa ng reklamong murder at pagtatanim ng ebidensya laban sa siyam na pulis.

Ayon kay Gapay isa itong welcome development para sa Philippine Army gayundin sa pamilya ng mga sundalong nasawi.

Patunay aniya ito na naririnig ang sigaw ng pamilya ng mga sundalo para sa hustisya.

Kumpiyansa si Gapay na mauuwi sa conviction o mahahatulan ang mga nasa likod ng insidente.

“This is a welcome development not only for the Philippine Army, but also for the families of our soldiers who were murdered in cold blood. This is proof that their cry for justice is being heard, and we are confident that we will secure conviction against the perpetrators of this heinous crime,” ayon sa pahayag ni Gapay.

 

 

 

Read more...