Ilang barangay sa QC, Caloocan, Parañaque at Las Piñas makararanas ng water service interruption
Nakararanas ng water service interruption ang ilang mga barangay sa Quezon City, Caloocan, Parañaque at Las Piñas.
Ayon sa abiso ng Maynilad, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi ngayong araw July 22 at makararanas ng low water pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:
Caloocan City:
– Brgy. 161
Quezon City:
– Bahay Toro
– Sangandaan
– Sauyo
– Talipapa
– Tandang Sora
Simula naman alas 10:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi ngayong araw makararanas din ng low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:
Las Pinas City
– D. Fajardo
– Ilaya
– E. Aldana
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos
Paranaque City
– BF Homes
– Moonwalk
– San Dionisio
– San Isidro
Ayon sa Maynilad, ang service interruption ay bunsod ng mataas na demand sa suplay ng tubig sa kanilang Bagbag reservoir.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.