Pagsasampa ng kaso ng NBI laban sa siyam na pulis welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa siyam na pulis na nasangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu.

Sa pahayag sinabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac na pagkakataon ito para sa mga respondent upang makasagot sa kaso.

Normal aniyang proseso ng batas ang sampahan ng kaso ang mga may pananagutang kriminal.

“It is in the best interest of justice to prosecute those who may be criminally liable,” ani Banac.

Tiniyak din ni Banac na magpapatuloy ang paninindigan sa katotohanan ng PNP.

 

 

Read more...