Virtual press briefing sa NEB sa Malakanyang hindi kanselado
Tuloy ang virtual press briefing sa New Executive Building (NEB) sa Malakanyang.
Ito ay kahit na isinara ang gusali matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, hindi sila magpapagil sa COVID-19 para maibigay sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon na ginagawa ng pamahalaan para malabanan ang pandemya.
Mahalaga aniya na maihatid ang balita sa taong bayan.
Ginagawa sa NEB ang virtual press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque tuwing alas-dose ng tanghali kada Lunes, Martes at Huwebes.
Sa July 27 pa ang pagbabalik trabaho sa NEB para bigyang daan ang disinfection.
Ayon kay Andanar, nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang PCOO sa pamilya ng empleyadong nagpositibo sa COVID-19 para mabigyan ng kaukulang ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.